Huwebes, Agosto 25, 2016


                “Dapitan”?, isa ito sa mga makasaysayang pook na dapat ay di natin malimutan na naging kasaysayan na ng pilipinas.Ngayon ating alamin kung ano mga pangyayari noon ipinatapon si Rizal sa Dapitan.
Bakit ba siya ipinatapon sa Dapitan?
Ito ay dahil sa pinaghinalaan siyang nagaaklas laban sa pamahalaang Espanya. Inilalarawan siya ng mga prayle na isang traydor at walang utang na loob dahil sa eskwelahang Espanyang pinapatakbo ng mga prayle siya umaangat sa karunungan at ang salang pagsira sa reputasyon ng bansang Espanya,gamit ang kanyang mga akda nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
                Noong dumating si Rizal sa Pilipinas galing Hong Kong noong June 26,1892 doon na nagsimula ang mga kalbaryo niya sa buhay. Tatlong araw matapos niyang itatag ang La Liga Filipina ipinagutos na ni Despujol ang pag pagdakip sa kanya.  Noong July 15,1982 dumating siya sa dapitan.
                Sakay ng barkong papuntang Dapitan si Rizal, siya ay may dalang dalawang sulat ang isa ay galing sa Gobernador na nagsasabing patirahin siya sa kumbentong ng mga Heswita at kung hindi naman maari ay sa bahay ng lang ng Gobernador . Ang ikalawang sulat ay galling kay Padre Pablo Pastells superyor ng mga Heswita na ipinabibigay kay Padre Antonio Obach isang paring Heswita sa Dapitan.
                Hindi pumayag si Rizal sa mga kondisyon at nanirahan na lang siya sa bahay ni Kapitan Carnicero ang kanyang bantay.Hinangaan ni Carcinero si Rizal at si Rizal naman ay nagsulat ng “A Don Ricardo Carnicero” noong August 26,1892 noong kaarawan kapitan.
                Isa sa mahahalagang pangyayari kay Rizal sa Dapitan ay noong nanalo siya sa Lottery nanihatid pa ito ng barko September 21,1892 nagkakahaga ito ng dalawampung libong piso (P 20,000). Tatlong tao ang naghati sa ganting-pala si Kapitan Carnicero , si Rizal at isang tao di pinangalanan anim na libo at dalawang daan ang natanggap ni Rizal dalawang libo naman ang binigay nya sa kanyang ama at dalawang daan naman sa binigay niya sa Kay Jose Maria Basa na nakatira sa Hong Kong. Ang natirang pera sa kanya kamay ay pinagpagawa niya ng bahay  at bumili siya ng lupa sa Talisay. Ang mga bahay ay yari sa abaca, kahoy at kawayan.
                Nakatanggap ng libro si Rizal mula kay Padre Pastells ito ay isinulat ni Don Felix Sarda y Salvany at bilang pasasalamat  sa Padre hinandugan nmn nya ito ng isang istruktura ni San Pablo. Nagkaroon ng mahabang sulatan si Padre Pastells na naglalahad ng pangrelihiyong naniniwala. Di nagtagumpay si Padre Pastells na maibalik si Rizal sa simbahan, ipinadala naman nya si Padre Francisco Sanchez upang ito naman ang maghimok kay Rizal na magbalik sa simbahan ngunit di rin siya ng tagumpay.
                Tumatanggap din si Rizal ng mga panauhin at nakasama naman niya ang mga kanyang kapamilya. Nagpadala ang mga prayle na may alyas Pablo Mercado upang maisangkot si Rizal sa isang malaking kaso. Napaghalataan ni Rizal na ito ay ipinadala lamang ng Espanyol upang maging ispeya nya. Ang nasabing lalaki na ang tunay na pangalan ay Florencio na nagpapanggap lamang na kamaganak niya.
Halos apat na taon na din nabilanggo si Rizal sa loob ng Dapitan pero kahit siya ay isang bilanggo doon madami siyang mga bagay na nagawang produktibo, siya ay naging magsasaka, manggagamot, negosyante, guro, zoologist , imbentor at pintor. Nagtrabaho si Rizal bilang isang mangagamot sa Dapitan at ang kanyang mga naging pasyente ay mahihirap at mayayaman.  Nang tumira sa Dapitan ang kanyang ina ng isa’t kalahating taon siya din ang gumamot dito. Naging interest ni Rizal ang mga halamang gamit dito sa pilipinas.
Itinayo ni Rizal ang sistema ng patubig sa Dapitan isinagawa nya ito upang magkaroon ng malinis na tubig ang bawat kabahayan sa Dapitan. Isa pa sa mga proyekto niya sa Dapitan ay ang paglilinis ng latian upang mawaksi ang malaria sa boung bayam.
Sa tagal nagpamamalagi ni Rizal sa Dapitan siya rin ay naging isang magsasaka. Si Rizal ay magpagmamayari ng lupa na pitungpot pitong kilometer ang haba. Ito ay may tanim na abaca, niyog at cocoa. Modernong pagsasaka ang ginawa ni Rizal sa kanyang lupa. Naisip din ni Rizal na magnegosyo nakipagsosyo siya kay Ramon Carreon na isang mangangalakal din sa Dapitan. Sila ay may koprahan,pangingisda at abaca.
Ginamit din ni Rizal ang mga panahon niya sa Dapitan upang makapagturo ng sa mga kabanatan doon. Marami siyang itinuro sa kanila, katulad na lamang ng Wika, heograpiya, kasaysayan,  matimatika gawaing industriya at madami pang-iba.
Noong February 1895 ay nagpagamot ang nagngangalang George Taufer. Si George Taufer ay isang bulang na pasyente ni Rizal. Noong siya ay nagpunta sa Dapita kasama niya ang  kanyang ampon na si  Josephine Bracken. Dito nakilala ni Dr. Jose Rizal ang magandang dalaga at agad nya itong nagustohan. Hindi sila pinayagang magpakasal sapagkat wala silang permiso  ng Obispo ng simbahan. Dahil sa lubos na pagmamahal nagpahayag sila sa harap ng Diyos na sila ay kasal. Hindi sila binigyan ng anak sapagkat namatay ang bata habang ito ay isinisilang.
Sa kanyang pananatili sa Dapitan ay nagkaroon siya ng panauhin na may ngalang Dr. Pio Valenzuela siya ay dumating noong June 21,1896 bilang sugo ni Andress Bonifacio sakay ng barkong Venus at kasama ng isang bulag upang di mahalataan binanggit din niya kay Rizal ang napagkasunduan ng samahang katipunan  noong May 1,1896.
                Binenta nya ang kanyang mga lupain sa Dapitan. Malungkot na umalis si Rizal sa Dapitan sabay sabing “adios dapitan” sa mga nagmamahal  sa kanya. Si Kapitan Carnicero ang naghatid sa kanya kasabay ng bandang tumutugtog ng “Chopin’s Farewell  March” para sa pag-alis ni Rizal.

                Ang kanyang pagkakatapos sa Dapitan ay di maituturing na pagkakakulong bagkos ito ay isang pagkakalaya ng bawat Pilipino na kanyang natulungan gamit ang kanyang karunongan.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento